AGP Institutionalization Status, iginawad sa 80th Infantry Battalion

0
298

Baras, Rizal. Nakamit ng 80th Infantry (Steadfast) Battalion ng 2nd Infantry (Jungle Fighter) Division ng Philippine Army sa pamumuno ni Col. Bernard Zildo S. Fernandez ang pagkilala bilang ganap na Institutionalized Stage Status na bahagi ng Army Governance Pathway (AGP) Conferral ng Army Transformation Roadmap ng Hukbong Katihan ng Pilipinas. 

Kasabay nito,ginawaran din ang nabanggit na infantry regiment ng 80IB ng ‘Silver Trailblazer Award’ na inaprubahan ng Himpilan ng Hukbong Katihan ng Pilipinas sa ilalim ng pamumuno ni LtGen. Romeo Saturnino Brawner, Jr., noong Disyembre 17, 2021.

Ipinaalala ni Fernandez na ang Army Governance Pathway (AGP) na bahagi ng pagpapatupad ng Army Transformation Roadmap (ATR) ay unang pinasimulan noong taong 2010  kung saan itinakda sa taong 2028 na maging “Isang ganap na world-class Army ang Hukbong Katihan ng Pilipinas na maipagmamalaki ng sambayanang Pilipino.” 

Noong nakalipas na taong 2016, sinimulan ng pamunuan ng Philippine Army (PA)  ang magkaroon ng sapat na mga kagamitan. Dahil dito ay kinikilala ito sa buong Timog-Silangang Asya, ayon kay Fernandez. 

Sa taong kasalukuyan, sa tulong at pakikiisa ng mga mga stakeholders, makaaasa ang sambayanang Pilipino sa ganap na modernong at respetadong hukbo na laging maaasahan, mamahalin at susuportahan ng taong bayan, dagdag pa niya.

Binanggit din ni Fernandez ang Philippine Army Multi-Sectoral Advisory Board o PA-MSAB, mga tagapayo mula sa mga ahensya ng pamahalaan na may layuing tumulong para tunay na pagbabago sa hanay ng Hukbong Katihan ng Pilipinas. Dahil dito ayon sa kanya ay nagdulot ng mga karangalan ang kabayanihan at katapatan sa sinumpaang tungkulin ng mga kasundaluhan. 

“Lubos akong nagpapasalamat sa lahat ng mga local chief executives, religious leader at iba-pang mga ahensya ng pamahalaan kaisa ang bawat mamamayan sa nasasakupan ng yunit, at sa mga miyembro ng STEADFAST Troopers sa kanilang aktibong pakikipagtulungan at pagpupunyagi sa pagsusulong ng katahimikan, katiwasayan tungo sa patuloy na pag-unlad ng bawat pamayanan,” ayon sa mensahe ni Col. Fernandez.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.