Mahigit na 400 milyong piso ang available na pondo ang Department of Agriculture (DA) na na maaaring ilabas para mapahusay ang rehabilitasyon at pagbawi ng sektor ng agrikultura sa Central Visayas, ayon kay Agriculture Secretary William Dar kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte nitong Linggo.
Samantala, double time ang ginagawa ng Department of Energy (DOE) para maibalik ang enerhiya sa lalawigan ng Cebu, ayon sa report ni Energy Secretary Alfonso Cusi kay Pangulong Duterte.
“The restoration is slow because we have a problem with the transmission. We don’t have a problem with the generation of the power plants,” Cusi said. Our problem really is how to transmit energy to the distribution utilities and our distribution lines,” dagdag pa ni Cusi.
Ayon sa energy chief, magpapadala ang Manila Electric Co. (Meralco) ng mahigit 150 tauhan kabilang ang kanilang mga kagamitan tulad ng mga boom truck para tulungan ang Cebu na maibalik ang suplay ng kuryente.
Iniulat ni Cusi na sa ngayon, naibalik ang suplay ng kuryente sa ilang lugar sa Cebu City. Kabilang sa mga inuna ay ang mga ospital, water utilities, mga tanggapan ng gobyerno, at ilang mga negosyo.
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo