AI-generated content, dapat may label — CICC

0
518

Iminumungkahi ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na lagyan ng malinaw na label o disclaimer ang lahat ng nilalamang ginawa gamit ang artificial intelligence (AI) upang matulungan ang publiko na makaiwas sa maling impormasyon at panlilinlang.

Ayon kay Renato “Aboy” Paraiso, Deputy Executive Director ng CICC, nakatutok ang kanilang ahensya sa pagtukoy sa mga gumagamit ng AI na layuning manlinlang o magpakalat ng fake news.

Binanggit niya na may ilang platform na tulad ng Meta, na siyang may-ari ng Facebook at Instagram, pati na rin ang TikTok, na nagsimula nang maglagay ng label sa mga AI-generated na larawan, video, at audio.

Kasabay nito, naniniwala si Education Secretary Sonny Angara na kailangang ituro sa mga estudyante ang critical thinking sa mga paaralan bilang paghahanda sa mabilis na pagdami ng AI content online.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo