Airtight na mga kaso ng droga palalakasin ng NCRPO

0
272

Nangako ang National Capital Region Police Office (NCRPO) kanina na palalakasin ang koordinasyon sa iba pang stakeholders para matiyak na airtight ang mga kaso laban sa mga suspek sa operasyon ng ilegal na droga.

Ito ay matapos mapansin ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. na maraming kaso ng droga ang nadi-dismiss dahil sa teknikalidad.

Sinabi ni NCRPO Chief, Maj. Gen. Felipe Natividad na ang panibagong diskarte na ito ay nakatuon sa isang malakas na “demand reduction” sa iligal na droga.

Inutusan din niya ang Regional Investigation and Detective Management na suriin ang conviction rate sa mga kaso ng iligal na droga dahil ilan sa mga ito ay na-dismiss dahil sa kakulangan ng mga testigo o ang mga suspek ay pinalaya para sa karagdagang imbestigasyon.

Samantala, sinabi ni Natividad na palalakasin din ng NCRPO ang paglaban sa cybercrime dahil inilipat ng mga kriminal ang kanilang aktibidad sa social media at digital platforms.

Aniya, i-maximize ang information dissemination para maiwasang mabiktima ang publiko.

Ang mga kurso sa pagsasanay at seminar ay isasagawa para sa mga opisyal ng pulisya na naatasang maghatid ng impormasyon sa publiko o lumaban sa mga cybercriminal.

Hinimok din ni Natividad ang lahat ng district director at chief of police na paigtingin ang crackdown laban sa ilegal na paggamit ng mga sirena at blinker sa lahat ng checkpoints at patrol operations. 

“For the campaign against illegal drugs or what PNP (Philippine National Police) Officer in Charge Lt. Gen. (Vicente) Danao calls a ‘drug war’, the NCRPO will continue its intensified operations in Metro Manila at any time of the day with proper coordination with the (Philippine Drug Enforcement Agency) PDEA (primary agency), barangay authorities/elected officials, media personalities and DOJ (Department of Justice) representatives in order to ensure round-the-clock availability of witnesses during evidence inventory,” ayon kay Nativided sa kanyang statement. (PNA

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.