IATF: Alert Level 3 ang Laguna mula bukas, Enero 7 hanggang 15

0
207

Isasailalim ang Laguna sa mas mataas na Alert Level 3 mula bukas, Enero 7 hanggang Enero 15 kasunod ng matinding pagtaas ng kaso ng Covid-19, ayon sa Malacañang kagabi.

“The Inter-Agency Task Force (IATF) approved tonight, January 5, 2022, the recommendation of its sub-Technical Working Group on Data Analytics to escalate Laguna to Alert Level 3, due to the rising number of Covid-19 cases in the province,” ayon kay Acting Presidential Spokesperson and Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Ipinagbabawal sa ilalim ng Alert Level 3 ang face-to-face or in-person classes for basic education; contact sports, maliban sa mga isinasagawa sa ilalim ng bubble-type setup; mga funfairs/carnivals at kid amusement industries; mga lugar na may live voice or wind instrument performers at audience; casino, karera ng kabayo, sabong at operasyon ng mga sabungan, lottery at betting shops, at iba pang gaming establishments; at ang mga pagtitipon sa mga tirahan na may mga indibidwal na hindi kabilang sa sambahayan. Papayagan ang 30 porsiyentong kapasidad sa mga indoor venue at 50 porsiyentong kapasidad sa outdoor venue kung ang mga empleyado ay ganap na nabakunahan.

Kaugnay nito, nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 10,775 bagong kaso ng Covid-19, ang pinakamataas na single-day tally mula noong Oktubre 10, 2021 kagabi.

Ang positivity rate ay 31.7 porsyento sa 44,643 na sinuri, na higit sa limang porsyentong threshold ng World Health Organization (WHO).

Ang bansa ay mayroon na ngayong 14 na kaso ng variant ng Omicron, tatlo sa mga ito ay lokal at 11 mula sa ibang bansa.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.