Pumanaw na ang batikang aktor at direktor na si Ricky Davao sa edad na 63 dahil sa komplikasyon ng sakit na cancer, ayon sa kumpirmasyon ng kanyang anak na si Ara Davao nitong Biyernes, Mayo 2.
“It is with great sadness that we announce the passing of our beloved father, Ricky Davao. He passed away peacefully, surrounded by his children and loved ones, after bravely facing complications related to cancer,” ayon kay Ara sa isang social media post.
Sa parehong mensahe, inalala ni Ara ang dedikasyon ng kanyang ama sa sining ng pag-arte at pagdidirek:
“For more than four decades, he dedicated his life to the craft of acting and directing. His remarkable body of work and award-winning performances have left a lasting legacy that will continue to inspire. Most of all he was a loving father, brother, son, and friend.”
Nagpasalamat din ang pamilya Davao sa mga nagpaabot ng pakikiramay:
“We are deeply grateful for your prayers, love, and kind messages during this difficult time. Details about his memorial service will be shared soon.”
Si Ricky ay dating asawa ng aktres na si Jackie Lou Blanco at ama ng tatlong anak na sina Ara, Kenneth, at Rikki Mae. Kapatid siya ng aktor na si Bing Davao at anak ng yumaong aktor na si Charlie Davao.
Bilang artista at direktor, kinilala si Ricky sa kanyang husay sa pelikula at telebisyon. Kabilang sa mga pelikula niyang tumanggap ng parangal ay ang Abot Hanggang Sukdulan, Saranggola, at Ipaglaban Mo The Movie, na kinilala ng FAMAS, Gawad Urian, at Metro Manila Film Festival.
Isa rin siya sa mga tinitingalang personalidad sa telebisyon. Isa sa kanyang huling proyekto ay ang GMA series na Love Before Sunrise noong 2023, kung saan muli niyang nakatrabaho ang dating asawang si Jackie Lou Blanco, kasama sina Bea Alonzo at Dennis Trillo.
Sa isang panayam sa Fast Talk with Boy Abunda noong 2023, inamin ni Ricky na kahit veteran na siya sa industriya ay kinakabahan pa rin siya kapag mag-isa siyang ini-interview.
Ang pamana ni Ricky Davao sa mundo ng sining ay patuloy na magiging inspirasyon sa mga susunod na henerasyon ng mga artista at manonood.

Paraluman P. Funtanilla
Paraluman P. Funtanilla is Tutubi News Magazine's Marketing Specialist and is a Contributing Editor. She finished her degree in Communication Arts in De La Salle Lipa. She has worked as a Digital Marketer for start-up businesses and small business spaces for the past two years. She has earned certificates from Coursera on Brand Management: Aligning Business Brand and Behavior and Viral Marketing and How to Craft Contagious Content. She also worked with Asia Express Romania TV Show.