Akusado sa murder na 19 taon ng nagtatago, nasakote ng Calamba PNP

0
208

Sta. Cruz, Laguna. Nadakip sa manhunt operation ng Calamba City Police Station (CPS) kahapon ang isang Most Wanted Person National Level na labing siyam na taong ng nagtatago sa batas at may patong sa ulo na Php 140,000.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G. Silvio, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang akusado na si alyas Roger Most Wanted Person na residente ng Quezon City.

Ayon sa ulat ni Plt Col. Milany Elpedes Martirez, hepe ng Calamba CPS nagsagawa sila ng manhunt operation kahapon sa Brgy. Sacred Heart Kamuning, Quezon City, na nagresulta sa pagka aresto sa akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Antonio S. Pozas, Presiding Judge ng Regional Trial Court Br. 36, 4th Judicial Region, Calamba City, Laguna para sa kasong Murder na walang inirerekomendang piyansa.

Ang inarestong akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Calamba CPS.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.