Akusadong rapist at rank 2 MWP sa Laguna, arestado

0
365

Sta. Cruz, Laguna. Arestado ang Rank no. 2 Most Wanted Person sa Provincial Level sa isang manhunt operation na ikinasa ng Santa Cruz Municipal Police Station (MPS) kahapon.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G. Silvio, Officer-In-Charge, Laguna Provincial Police Office ang akusado na si Edmar Bacaling, 26 anyos na panadero at nakatira sa Brgy. Sto. Angel Central, bayang ito.

Sa isinagawang manhunt operation ng Santa Cruz MPS noong Septyembre 6, 2022 sa ganap na 9:27 ng gabi ay naaresto ang akusado sa bisa ng warrant of arrest.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Santa Cruz MPS ang akusado at nakatakdang humarap sa kasong Lascivious Conduct Under Sec. 5 (B) of R.A. 7610 Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act (2 Counts) na isinampa noong Agosto 23, 2022 sa  Regional Trial Court, Branch 101, Santa Rosa City, Laguna. 

“Ito ang patunay na ang Laguna PNP ay hindi tumitigil sa paggawa ng manhunt operation sa pagsawata sa mga nagtatago sa batas upang mabigyan ng hustisya ang mga biktima,” ayo kay Silvio.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.