‘Akyat-Bahay’ patay, isa arestado matapos pumasok sa bahay ng isang Philippine Navy

0
385

IMUS CITY, Cavite. Patay agad ang isang hinihinalang miyembro ng “Akyat-Bahay Gang” at arestado ang isa pa matapos nilang pasukin angbahay ng isang aktibong miyembro ng Philippine Navy, kaninang madaling araw sa Green Estate Subdivision, Brgy. Malagasang 1G, lungsod na ito.

Dead on the spot ang suspek na kilalang si Abraham Banawa na residente ng Block 2 Lot 6 Phase 2 Barcelona P2, Brgy. Buhay Na Tubig, Imus City, Cavite.

Arestado naman ang kasama ni Banawa na si Rochlem Maligaya, 37 anyos na residente ng Block 5 Lot 1 Annex B, Greengate Subdivision, Brgy. Malagasang 1G, Imus City, Cavite.

Ayon sa mga pahayag ni Navy officer Marvin Sapamat Celis sa pulisya, bandang 2:10 ng madaling araw, natutulog siya sa kanilang bahay nang biglang pasukin ng mga suspek ang kanyang bahay.

Nagdeklara ng holdap ang mga salarin at nagsimulang kolektahin ang mga gamit ng biktima. Gayunpaman, nang magkaroon ng pagkakataon si Celis, inatake niya si Banawa at nagbuno ang dalawa hanggang sa maagaw niya ang baril na hawak nito at pinutukan ito.

Patay agad ang suspek habang hindi na nanlaban ang kasamang si Maligaway noong siya naman ang tutukan ng baril.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.