Maagang paghahanda sa Undas 2021, iniutos ni Chief PNP Eleazar

0
430

Alamin ang mga patakaran at regulasyo na ipatutupad ng inyong LGUs sa Undas

Maynila. “Ngayon pa lang ay inatasan ko na ang ating mga unit commanders na simulan ng paghandaan ang mga seguridad na ilalatag sa darating na All Saint’s and All Soul’s Day sa darating na Nobyembre 1 at 2,” ayon kay .Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Guillermo Lorenzo T Eleazar .

Pinaaalalahanan nya ang publiko alamin ang mga patakaran at regulasyon na ipatutupad sa kani kanilang government units (LGU) kaugnay sa pagbisita sa mga sementeryo at sundin ang mga ito. 

“Inaasahan ko ang ating mga chiefs of police ay makikipag ugnayan ng maaga sa kanilang mga LGU upang pagplanuhan ang mga patakarang ipatutupad sa mga sementeryo, memorial parks at columbarium lalo na at nasa gitna pa tayo ng epidemya,” ang pagbibigay diin ni Eleazar..

Noong nakaraang taon, isinara ng ilang LGU ang mga sementeryo at memorial park sa araw ng Undas uang maiwasan ang pagdagsa ng tao sa gitna ng banta ng Covid-19.

Ang ilang LGU naman ay nagpasunod ng schedule upang tiyakin na ang Undas ay hindi magiging super spreader.

Napatunayan ng epektibo ang maagang paghahanda sa pagtitiyak ng kaligtasan ng publiko sa mga araw ng Undas, dagdag pa ng PNP Chief.

“Nagawa na natin ito noong nakaraang taon kaya’t nasisiguro kong magagampanan ulit ng maayos ng ating kapulisan ang kanilang tungkulin sa panahon ng Undas,” ang pagtatapos ng PNP Chief.

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.