Alamin ang mga uri ng bawal na paputok bago pumasok ang New Year 2024

0
1126

Bilang bahagi ng paghahanda para sa nalalapit na pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon, inilabas ng Philippine National Police (PNP) ang bagong listahan ng mga ipinagbabawal na paputok.

Ang impormasyon ay ipinarating ng kapulisan sa programa ng UNTV na “Sumbong N’yo, Aksyon Agad” nitong Martes, kung saan ipinaliwanag ang panganib na kaakibat ng paggamit ng ilang uri ng paputok. Narito ang ilan sa mga bawal na paputok:

  • Watusi
  • Piccolo
  • Poppop
  • Five star
  • Pla-pla
  • Lolo thunder
  • Giant bawang
  • Giant whistle bomb
  • Atomic bomb
  • Super lolo
  • Atomic triangle
  • Goodbye bading
  • Large-size judas belt
  • Boga
  • Kwiton
  • Goodbye Philippines
  • Goodbye Delima
  • Bin Laden
  • Hello Columbia
  • Mother Rockets
  • Coke-in-Can
  • Super Yolanda
  • Pillbox
  • Mother Rockets

Binigyang-diin ng PNP ang delikadong kalagayan ng mga tinatawag na “primary explosives,” na masyadong sensitibo at maaring sumabog sa simpleng kiskisan, pagkakabangga, o init. Paalala ng kapulisan, nagpapalit-palit ang pangalan ng iligal na paputok upang maiwasan ang pagkakakilanlan, ngunit pareho pa rin ang komposisyon ng mga ito.

Unang inilabas ng otoridad ang listahan ng mga ligal na paputok at pailaw, kasama ang mga sumusunod:

  • Baby rocket
  • Bawang
  • El Diablo
  • Judas’ belt
  • Paper caps
  • “Pulling of strings”
  • Sky rocket (kwitis)
  • Small “triangulo”
  • Butterfly
  • Fountain
  • Jumbo, regular, at special luces
  • Mabuhay
  • Roman Candle
  • Sparklers
  • Trompillo
  • Whistle device

Noong buwan ding ito, inilabas ng Department of Trade and Industry (DTI) ang listahan ng mga sertipikadong paputok upang gabayan ang mga mamimili sa pagpili ng ligtas na paingay ngayong Bagong Taon.

Sa tala ng Department of Health, umabot sa 300 ang kaso ng mga sugatang kaugnay ng paputok noong nakaraang New Year at holiday season. Patuloy na iniuudyok ng DOH ang publiko na iwasan ang paggamit ng paputok at sa halip ay gumamit ng mas ligtas na paraan ng pagdiriwang.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.