Alamin kung ikaw ay may dugong entrepreneur

0
432

Ang mga negosyante ay isang natatanging grupo ng mga tao. Hindi lang iba ang iniisip nila, iba din ang kilos nila. Mayroon silang personality traits, habits at mind-sets upang makabuo ng mga ideya na nabubuo sa pagitan ng insanity at genius. 

Kung nag iisap ka kung ikaw nga ba ay isang negosyante, basahin ang sumusunod na listahan. Maaaring wala ka ng lahat ng traits at skills na babanggtin dito, ngunit kung meron kahit isa o dalawa, ito ay isang magandang pahiwatig na ikaw ay may dugong negosyante.

 Mga senyales na ikaw ay isang entrepreneur:

  1. Nagmula ka sa isang pamilya na hindi nagtrabaho bilang mga empleyado. Ayon sa family history mo, ang isa o parehong mga magulang mo ay self-employed.
  2. Ayaw mo sa status quo. Hindi ka nagtatanong kung bakit ginagawa ng mga tao ang mga bagay na ginagawa nila. Nagsusumikap kang gawing mas mahusay ang mga bagay na ‘yon at handa kang umaksyon para dito.
  3. May tiwala ka sa sarili. May nakilala ka na bang negosyante na pessimistic o may duda sa sarili? Kung wala kang tiwala sa sarili mo, paano pang maniniwala ang iba sa iyo? Karamihan sa mga negosyante ay napaka-optimistiko sa lahat ng bagay sa kanilang paligid. Napapagkamalan silang mayabang pero ang totoo, malakas lang ang tiwala nila sa sarili.
  4. Passionate ka. May mga pagkakataon na umuubos ka ng sobrang na oras kahit hindi ka kumikita ni piso. Ang passion mo ang nagsisilbing fuel sa kakaiba mong drive.
  5. Hindi ka tumatanggap ng ‘hindi’ bilang sagot. Ang isang negosyante ay hindi sumusuko – kailanman.
  6. May kakayahan kang lumikha ng mga hindi inaasahang partnership from scratch dahil sa iyong kakaibang kakayahang mag connect ng dots. Parang may magnet ang personality mo dahil sa nakakahawang passion mo. 
  7. Nag uubos ka ng mas maraming oras sa kasosyo mo kaysa sa iyong asawa o significant other.
  8. Nag-drop out ka sa kolehiyo tulad nina Bill Gates, Steve Jobs at Mark Zuckerberg.
  9. Ang araw-araw na biyahe mo ay papunta sa iyong opisina mula sa kwarto hanggang sa sala.
  10. Isa kang lousy na empleyado at malamang na natanggal sa trabaho. Huwag mag-alala, hindi ka nag-iisa. Huwag mong kunin ito bilang isang senyales na ikaw ay isang masamang tao. Minsan nasa DNA mo yan.

Kahit na wala ka ng lahat ng mga katangian sa itaas sa ngayon, malamang na mas mabubuo mo ang mga ito sa paglipas ng panahon. After all, ang pagiging isang negosyante ay lifestyle, hindi isang trabaho o hobby.

Kung sa palagay mo naman ay may dugo kang entrepreneur, ano pang hinihintay mo? Ngayon pa lang ay mag isip ka at mgaplano ng sisimulang negosyo na swak sa passion mo.

Author profile
myrone zabat Jr
Marius Myrone S Zabat Jr

Si Marius Myrone S Zabat ay naging presidente ng San Pablo Amateur Radio Club (1996-1997), JCI San Pablo (1997-1998), at San Pablo Jaycees Senate (2001-2003). General Manager din siya ng  Milmar Distillery at Tierra De Oro Resort-Hotel.