Alert Level 3 status na ang Bulkang Taal matapos ang 3 phreatomagmatic eruptions

0
959

Itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) kanina ang status ng Taal Volcano sa Alert Level 3 kasunod ng phreatomagmatic eruption.

“At 0722H PST, Taal Volcano Main Crater generated a short-lived phreatomagmatic burst which was followed by nearly continuous phreatomagmatic activity that generated plumes 1500 m accompanied by volcanic earthquake and infrasound signals,” ayon sa advisory ng Phivolcs.

Lahat ng aktibidad sa Taal Lake ay kasalukuyang hindi pinapayagan, babala pa ng ahensya.

“Communities around the Taal Lake shores are advised to remain vigilant, take precautionary measures against possible airborne ash and vog and calmly prepare for possible evacuation should unrest intensify. Civil aviation authorities must advise pilots to avoid flying over Taal Volcano Island as airborne ash and ballistic fragments from sudden explosions and pyroclastic density currents such as base surges may pose hazards to aircraft,” dagdag pa ng Philvocs.

Pinapayuhan ng mga awtoridad ng civil aviation ang mga piloto na iwasang lumipad sa Taal Volcano Island dahil ang airborne ash at ballistic fragment mula sa biglaang pagsabog at pyroclastic density currents gaya ng base surges ay maaaring magdulot ng mga panganib sa sasakyang panghimpapawid,” dagdag nito.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.