Alice Guo, sinibak na ng Ombudsman bilang mayor

0
111

MAYNILA. Opisyal nang sinibak sa puwesto ng Office of the Ombudsman si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo matapos mapatunayang guilty sa kasong grave misconduct.

Ayon sa 25-pahinang resolusyon na pirmado ni Ombudsman Samuel Martires, bukod sa pagkakatanggal sa puwesto, hindi na rin makukuha ni Guo ang kanyang retirement benefits at disqualified na rin siya para muling makapuwesto sa gobyerno.

Matatandaang nauna dito ay inirekomenda ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang preventive suspension ni Guo dahil sa diumano ay koneksyon niya sa mga iligal na aktibidad ng Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) sa Bamban.

Ayon kay DILG Secretary Benhur Abalos, “gumawa kami ng task force para imbestigahan ang mga alegasyon laban kay Mayor Guo.”

Bukod dito, nagsagawa rin ng hiwalay na imbestigasyon ang Commission on Elections (Comelec) at National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa tunay na pagkakakilanlan ni Guo.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo