Alimango festival, umaarangkada ngayon sa Quezon

0
594

CALAUAG, Quezon. Tinaguriang “Adyo Calauag, Alimango Festival,” ipinagdiriwang ito ngayon sa bayan ng Calauag sa lalawigan ng Quezon matapos ang halos tatlong taon na pagtigil dahil sa COVID-19.

Bukod sa pagsasaka, ang isa sa pangunahing kabuhayan ng mga taga-Calauag, Quezon ay ang pag-aalaga at pagbebenta ng Scylla Serrata o mud crab, na mas kilala bilang alimango.

Ang mga babaeng alimango sa Calauag, Quezon ay may kakayahang mangitlog ng halos isang milyon at ang pinakamabigat na timbang ng ay umaabot sa 3.5 kilo bawat isa at may lapad na halos 9.5 pulgada.

Ang sektor na ito ng lokal na ekonomiya ay pagdiriwang mula May 20 hanggang May 25.

Inaabangan dito ang iba’t ibang mga aktibidad tulad ng karera ng alimango at mga paligsahan para sa pinakamalaking at pinakamabigat na alimango.

Sa karera ng alimango, may nakalaang premyo na P3,000 para sa grand prize, habang may P2,500, P2,000, P1,500, at P1,000 para sa 2nd prize hanggang 5th prize, ayon sa pagkakasunod.

Naglaan din ang pamahalaang lokal ng premyong P2,500 para sa mapipiling kampeon na pinakamabilis magtali ng 10 buhay na katamtamang laki ng mga alimango.

May P2,500 din na inilaan para sa tatanghaling kampeyon sa may hawak na 200-250 gramo ng buhay na alimango sa patimpalak na karera.

Ang Alimango Festival ay unang idinaos noong 2005.

Paano makarating sa Calauag, Quezon

Mula sa Maynila, sumakay ng bus papuntang lalawigan ng Quezon. Maari rin kayong sumakay ng bus patungo sa Lucena City, at mula sa bus terminal ng Lucena, sumakay ng bus, van o jeep patungo sa bayan ng Calauag.

May nakalaang P2,500 para sa tatanghaling kampeyon sa may hawak na 200-250 gramo ng buhay na alimango sa patimpalak na karera.
Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.