Alternative fishing grounds para sa apektado ng oil spill, tinukoy

0
267

Calapan, Oriental Mindoro. Pwede nang mamalakaya ang mga mangingisda ng Oriental Mindoro na naapektuhan ng fishing ban dahil sa oil spill.

Tinukoy ni Oriental Mindoro Governor Humerlito Dolor ang mga lugar na pwedeng magsilbing alternative fishing grounds habang umiiral pa rin ang ban sa mga bahagi ng karagatan na apektado pa rin ng langis.

Ibinahagi ni Dolor ang impormasyon mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na puwedeng magsilbing alternative fishing ground ng mga commercial vessels ang Mindoro Strait, Cuyo Pass sa Palawan, Tablas Strait sa Romblon at Tayabas Bay sa Quezon province.

Ang maliliit na bangkang pangisda naman ay maaaring maglayag sa Paluan, Abra de Ilog, San Jose at Magsaysay sa Occidental Mindoro at sa Marinduque area.

Magbibigay ng fuel subsidy ang gobyerno sa mga mangingisda ngunit hindi pa alam sa ngayon kung magkano, ayon kay Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos. Nakikipag-ugnayan na rin ang Department of the Interior and Local Government sa mga lalawigang sakop ng mga binanggit na alternatibong fishing ground.

“What we will do, we will coordinate now with different governors ‘yun sa request, I’m sure papayag naman ‘yon,”ayon kay Abalos.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.