Ama na gustong mabawi ang anak, pinatay ng karibal

0
138

BURDEOS, Quezon. Namatay ang isang 38-anyos na lalaki matapos barilin ng bagong kinakasama ng kanyang dating live-in partner sa hangaring mabawi ang kanyang anak sa araw ng Father’s Day sa Sitio Puerto Verde, Brgy. Aluyon sa bayang ito.

Ang biktima na tinamaan ng bala sa mukha ay kilalang si Jerry Peñamante, binata ng Brgy. Calasumanga, Panukulan, Quezon habang naaresto naman ang suspek na si Kevin Pardilla, 31, ng Sitio Puerto Verde, Brgy. Aluyon, Burdeos, Quezon, sa isinagawang follow-up operation.

Ayon sa ulat ng pulisya, bandang alas-4:10 ng hapon, pumunta ang biktima sa bahay ng suspek kung saan naninirahan rin ang kanyang dating live-in partner upang ipagdiwang ang Araw ng mga Tatay at makuha ang kanyang anak.

Ngunit tumangging sumama ang babae at sa puntong iyon, bigla na lamang lumapit ang suspek at walang pagsasaalang alang na binaril ang biktima sa mukha saka tumakas ngunit kalaunan ay nahuli rin itoi.

Ang pulisya ay kasalukuyang nag-iimbestiga upang matukoy ang mga motibo at iba pang mga detalye na may kinalaman sa insidente.

Inaasahan na mas malalim na imbestigasyon ang isasagawa upang mahatulan ang suspek at makamit ang hustisya para sa nasawi.

Nananawagan naman ang mga awtoridad sa publiko na maging mapagbantay at magsumbong ng anumang impormasyon na maaaring makatulong sa pagsulong ng kasong ito.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.