Ama ng Ateneo gunman, pinatay sa Lamitan

0
195

Lamitan City, Basilan. Binaril ang ama ni Chao Tiao-Yumol sa harap ng kanyang bahay sa Brgy. Maganda, Lamitan City, Basilan kaninang umaga.

Sinabi ni Police Brig. Gen. Roderick Alba, public information officer ng Philippine National Police na nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga police personnel sa Lamitan City tungkol sa kaso. Sa ngayon, ayon sa kanya ay may mga haka-haka na direktang nag uugnay ng insidente sa naganap na pamamaril noong Linggo sa Ateneo de Manila University.

Ayon naman sa Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region, si Rolando Yumol, 69 anyos, ay binaril ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek sakay ng isang motorsiklo habang nagwawalis sa harap ng kanyang bahay at clinic ni Chao-Tiao.

Ang matandang Yumol na isang retiradong miyembro ng Philippine Constabulary ay dead on the spot sanhi ng apat na tama ng bala. 

Dinala siya sa Lamitan District Hospital ngunit idineklarang dead on arrival ng attending physician, ayon kay Col. Pedro Martirez, Basilan provincial Police Office director.

Binaril ang matandang Yumol limang araw matapos makapasok ang nakababatang Yumol noong Linggo ng hapon sa graduation ng Ateneo Law School at binaril at napatay si dating mayor Rosita Furigay ng Lamitan City, ang kanyang aide na si Victor Capistrano, at isang security guard ng Ateneo na si Jeneven Bandiala.

Sumailalim siya sa inquest proceedings sa Quezon City prosecutor’s office noong Lunes ng gabi at kasunod nito ay kinasuhan ng tatlong counts ng murder at frustrated murder.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.