Ama patay; anak sugatan sa pamamaril sa Quezon

0
276

Candelaria, Quezon. Pinagbabaril ang napatay ang isang 34 anyos na padre de pamilya sa harapan ng kanyang bahay sa Brgy. Pahina, bayang ito 

 Kinilala ni  PLt.Col. Tyron Valenzona, hepe ng Candelaria Municipal Police Station ang biktima na si Abril Buenavista, may- asawa at residente ng nabanggit na bayan.

Sugatan ang 10 anyos na anak ng biktima matapos tamaan ito ng ligaw na bala sa kaliwang binti at braso

Ayon sa paunang imbestigasyon, bandang alas otso noong Lunes ng gabi, tatlong armadong kalalakihan ang nagpunta sa bahay ni Buenavista at marahang tinawag nito ang palayaw ng biktima na “Boy.” Lumabas ng bakuran ang biktima at nakipag-usap sa mga nagpatao po. Narinig diumano ng ilang kapitbahay na sinabi ng biktima na sa ibang lugar na lang sila mag- usap ngunit bigla na lamang silang nakarinig ng sunod- sunod na putok at kasunod nito ay bumulagta na sa kalsada ang biktima.

Tumakas ang mga suspek sakay ng walang plate number na motor.

Isinugod sa pinakamalapit na.ospital si Buenavista subalit idineklara itong dead on arrival ng mga doktor. 

Samantala, nilalapatan naman ng kaukulang lunas ang anak ng biktima at ayon sa report ay ligtas na ito.. 

Kasalukuyang iniimbestigahan ng pulisya ang pagkikilanla sa mga suspek at inaalam din ang motibo ng pagpatay.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.