Ama pinatay ng anak sa taga

0
500

Batangas City, Batangas. Patay ang isang ama matapos siyang pag tatagain ng kanyang anak sa lungsod na ito.

Binawian agad ng buhay ang biktima na kinilalang si Efren Comia, 46 anyos na karpintero matapos pagtatagain ng kanyang anak na si Zoren, 30 anyos na kusang loob na sumuko sa isang barangay tanod at dinala Batangas City Police Station (CPS).

Ayon kay Police Lieutenant Diosdado Pasion, OIC chief ng Batangas CPS, napag alaman sa isinagawang imbestigasyon na lasing si Zoren nang mangyari ang krimen.

Ayon sa suspek, matagal na silang may ang sigalot ng ama dahil sa nananakit ito at nagmumura tuwing siya ay malalasing.

“Ayon sa imbestigasyon namin, tuwing nalalasing itong suspek na si Zoren Comia, ganun ang kaniyang ginagawa. Kaya nung araw na ‘yon, yung tatay niya ang kanyang napagdiskitahan at ayun, pinag i-itak niya sa iba’t ibang parte ng katawan,” ayon kay Pasion.

Nakatakdang sampahan ng kasong parricide ang suspek.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.