Ama, pinatay ng minomolestiyang dalagitang anak

0
248

CUENCA, Batangas. Patay ang isang 48 anyos na ama matapos barilin sa ulo ng kanyang 13 anyos na dalagitang anak dahil sa diumano ay paulit-ulit na pangmomolestiya sa kanya, kamakalawa ng hapon sa Brgy. Pinagkaisahan, bayang ito.

Kinilala ng mga pulis ng Cuenca Municipal Police Station ang nasawi na si Nonilo Montealto Lunar, residente sa nasabing lugar. Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-2 ng hapon nang maganap ang pamamaril sa bahay ng mag-ama sa nabanaggit na barangay.

Sa pahayag ng biktima sa pulisya na itinago sa pangalang Abby na isang high school student, nagawa niyang patayin ang sariling ama dahil sa hindi na niya makayanan ang paulit-ulit na pang-aabusong seksuwal sa kanya.

Ayon sa mga salaysay ng dalagita, kahit na nagmamakaawa siya sa ama ay hindi siya nito pinakikinggan at patuloy ang ginagawang pang aabuso sa kanya.

Napag alaman na kinuha ng biktima ang baril ng kanyang ama na Colt caliber 45 pistol na may serial number M02082 at binaril nito sa ulo ang natutulog na tatay. Matapos ang insidente, tumakas ang biktima subalit agad naman siyang naaresto ng pulisya sa hot pursuit operation.

Nakatakdang isailalim sa paraffin test ang dalagita at ang diumano’y boyfriend nito na sa alias “Clint” bilang “persons of interest” dahil posibleng kasabwat ng una sa pagpatay.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang alamin ang buong katotohanan sa likod ng insidente.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.