Amang, unang bagyo sa 2023 nabuo na sa silangan ng PH

0
1029

Ganap na bagyo na ang binabantayan na Low Pressure Area (LPA) sa silangan ng Catanduanes matapos itaas ito sa kategoryang Tropical Depression at tinawag na Amang na inaasahang magdadala ng mga pag-ulan at bugso ng hangin sa Northern at Eastern Samar ngayon araw, ayon sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Alas-3 ng madaling araw kanina ay nakita ang sentro ng Tropical Depression Amang na nasa 475 kilometro silangan ng Virac, Catanduanes na may lakas na hanging aabot sa 45 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 kilometro bawat oras at kumikilos pakanluran Hilagang-kanluran sa bilis na 20 kilometro, ayon sa report ng PAGASA.

Itinaas naman ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 sa Catanduanes, hilagang bahagi ng Silangang Samar (Taft, Can-Avid, Sulat, Dolores, Oras, Arteche, San Policarpo, Jipapad, Maslog, San Julian) eastern portion of Northern Samar (Catubig, Lapinig, Gamay, Mapanas, Palapag, Laoang, San Roque, Pambujan, Mondragon).
Ang Northern Samar at Eastern Samar ay makakaranas ng mga pag-ulan na may pagbugso ng hangin dahil sa Tropical Depression na may posibleng pagbaha o pagguho ng lupa dahil sa katamtaman hanggang sa malakas na kung minsan ay malakas na pag-ulan.

Sa susunod na 24 na oras, si Amang ay inaasahang lilipat pakanluran patungo sa Rehiyon ng Bicol bago lumiko pahilagang-kanluran at mananatiling malayo sa pampang sa katubigan sa silangan ng Luzon sa susunod na 3 araw.

Si  Amang, ang unang bagyo sa bansa ngayong 2023 ay tinatayang mananatili bilang isang tropical depression, na may posibilidad na humina at maging isang low pressure area sa Huwebes o Biyernes.

Ang Tropical Depression Amang ay ang unang tropical cyclone ng Pilipinas ngayong 2023.
Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo