Magdalena, Laguna. Isang lalaki na nakilalang anak ng isang suspek sa pag rape sa 16-anyos na dalagita ang natagpuang patay at may tama ng bala sa ulo sa loob ng isang cottage sa Brgy. Balanac, sa bayang ito.
Ang biktima ay kinilalang si Medwin Vasquez, 35 anyos na construction worker. Natagpuan ang bangkay na duguan at nakabulagta sa sahig ng pinsan nitong si Mark Andrew Vasquez na maghahatid sana ng pagkain mula sa kanyang handa.
Ayon kay Police Captain Errol Frejas, hepe ng Magdalena Municipal Police Station, ang biktima ay binaril sa ulo habang ito ay natutulog sa loob ng cottage ng hindi pa nakikilalang gunman gamit ang kalibre 38 baril.
Walang natagpuang basyo ng bala sa pinangyarihan ng krimen at walang ring testigo sa krimen.
Ayon sa mga residente, nakarinig sila ng putok ng baril bago natagpuang patay ang biktima.
Sinabi ni Frejas na ang biktima ay anak ng rape-suspect ng isang 16-anyos na dalagita at ayon sa paunang imbestigasyon,posibleng paghihiganti ang pagkakapatay sa biktima.
Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.