Mulanay, Quezon. Patay ang isang 20 anyos na lalaki matapos tagain ng kanyang ama habang nag-iinuman sa bayang ito noong gabi ng Sabado.
Ayon sa ulat ng Mulanay Municipal Police Station, tinaga ng 54 anyos na suspek ang anak sa leeg habang nag-iinuman sila sa kanilang bahay sa Brgy. Latangan sa nabanggit na bayan.
Nagkaroon umano ng mainit na pagtatalo ang mag-ama habang nag-iinuman bandang alas-11:30 ng gabi, kung kailan ay kinuha ng suspek ang itak na ginamit sa anak.
Nakakulong ngayon ang suspek at nakatakdang humarap sa kasong parricide.

Arman B. Cambe
Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.