Android users, pinag iingat ng PNP Anti-Cybercrime Group sa FluBot malware

0
701

Nagbabala ang PNP Anti-Cybercrime Group sa mga Android users na mag ingat sa FluBot, isang virus na kumakalat sa pamamagitan ng text messages upang magnakaw ng banking at credit information.

Ang FluBot ay nakapambibiktima sa pamamagitan ng pagpapadala ng iba’t ibang mga text messages kagaya ng mga sumusunod: “You have a parcel delivery that is pending, someone is attempting to share an album with you at you have received a voicemail.”

Kapag na click, lalabas ang animo ay opisyal na warning message upang alertuhin ang mga Android users na ang kanilang device ay infected ng FluBot malware kasama ng mensahe na “Install an Android security update to remove FluBot.” Sa sandaling ma install ito, ang FluBot malware ay magda download sa Android device at magsisimulang magnakaw ng banking at credit information at contact list kung saan ay patuloy itong magakalat ng mga malisyosong mensahe, ayon sa babala ng PNP Anti-Cybercrime Group.

Sa oras na ma infect ang isang android phone, maaaring magresulta ito sa malaking kawalan ng salapi.

Mag ingat sa mga text messages na natatanggap, ayon nabanggit na grupo ng anti cybercrime, na nagsasabing i-click ang isang link at nagsasabing i-forward ito ng libre sa 7726.

Ang pinakabagong threat sa Android phone users ay unang nakita sa New Zealand ng New Zealand’s computer emergency response team at kasalukuyang kumakalat na rin sa Pilipinas, ayon sa report.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo