Ang 2nd round ng peace talks ng Russia at Ukraine, nagtapos ng walang cease fire

0
259

Sinabi ng Ukraine na ang second round ng peace talks hinggil sa cease fire ay hindi nagbunga ng mga positibong resulta, ngunit nagkasundo ang magkabilang panig sa pagbubuo ng humanitarian corridors. Nagkasundo din ang mga delegasyon sa muli pang pag uusap.

Ipinagpatuloy ang peace talks kahapon sa pagitan ng Russia at Ukraine. Umuwi ang  magkabilang panig matapos ang ilang oras na negosasyon nang walang napagkasunduan hinggil sa cease fire. 

Ang mga delegasyon ng Russia at Ukrainian ay nagdaos ng ikalawang round ng peace talks sa rehiyon ng Brest ng Belarus, apat na araw matapos ang unang pulong.  Patuloy ang bakbakan sa Ukraine sa ika-walong araw, ngayong Marso 4, 2022.

“The second round of negotiations is over. Unfortunately, the results Ukraine needs are not yet achieved,” ayon sa tweet ng Ukraine’s presidential adviser na si Mykhailo Podolyak, kaninang umaga.

Ayon sa foreign minister ng Russia, patuloy na igigiit ng Russia na ang anumang kasunduan sa kapayapaan sa Ukraine ay dapat kasama ang isang pangako na ang Ukraine ay “demilitarize.” Naghudyat din ang Russia na nais nitong talakayin ang Ukraine na magpatibay ng “neutral status” at sumang-ayon na talikuran ang mga ambisyon nitong sumali sa North Atlantic Treaty Organization (NATO).

Bago ang pagpupulong, nag-post si Podolyak sa Twitter na ang mga prayoridad ng Ukraine sa mga pag-uusap ay isang “kaagad na cease fire,” isang armistice at “humanitarian corridors para sa paglikas ng mga sibilyan.” Nauna dito ay sinabi ng mga opisyal ng Ukraine na gusto nilang paatrasin ng Russia ang lahat ng tropa nito mula sa Ukraine.

Kasunod ng pulong, nag-tweet si Podolyak na ang mga pag-uusap ay gumawa lamang ng “solusyon para sa organisasyon ng mga humanitarian corridors.”

Isang sunog ang sumiklab sa Zaporizhzhia nuclear plant, ang pinakamalaki sa Europe matapos itong salakayin ng mga pwersa ng Russia kaninang umaga. Larawan mula sa Twitter
Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.