Ang kabukiran ay isang malawak na paaralan

0
765

Likas sa ating mga Pilipino ang pagiging malikhain. Kilala tayo bilag mapagmahal sa musika.  Bantog din tayo sa paglikha ng mga awitin at sa pag guhit na ang inspirasyon ay ang kalikasan. Ang karaniwang subject sa mga obra ni Amorsolo ay kulturang Pinoy at kabukiran. 

Ang pagsusulat ng tula tungkol sa kalikasan o pagbubukid ay hinuhugot ng manunulat sa kanyang puso. Nakakawili ang pagsulat ng tula. Kaya’t hindi nakakapagtaka kung maging inspirasyon din ng aking asawang si Myrna sa pagsusulat ng kanyang tula ang aming mga gawain sa bukid para sya ay makagawa ng mga tula. Hayaan ninyong ibahagi ko sa inyo ang tulang kanyang nilikha. 

Ang Forest Wood sa Kabukiran ng Sta Elena,

Tagpuan nang mag asawang si Joel at Myrna,

Laman ng puso nila dito’y naipapakita, 

Pagmamahalan nakikita sa gawa nila. 

Ang bawat basura at kalat sa kabukiran,

Sinisinop at tunay nilang pinagyayaman. 

Ginagawang pataba  para sa mga halaman, 

Kaisipang may malasakit sa kalikasan. 

Mga paa’t kamay mo tunay na mapuputikan, 

Pagkat sa farming yan ang tunay na kahulugan, 

Hindi ito gaya ng mall na isang pasyalan, 

Na hindi ka makakaranas na madumihan. 

Kailangan maiparamdam sa kabataan, 

karanasang di matatagpuan sa kabayanan.  

Para magmalasakit sa inang kalikasan. 

Dakong huli sila naman ang makikinabang. 

Kaya  ang Forest tila naging university,  

Ibinibook.. bitbit ng mga  gurong  busing busy, 

Mga kabataang galing sa malalayong City, 

Para saksihan  iningatang  biodiversity. 

Mga kababayan nating environmental friendly, 

Kasamang itinaguyod amin advocacy, 

Sila ang mga  bisita kasama pate baby, 

Para ang bukid ay maging Sustainability. 

Salamat sa mga taong ginagamit ng Dios, 

Para maging mabunga at hindi maghikahos, 

Habang ang itim na buhok ay di pa ubos, 

May saysay ang lakas namin ibinubuhos. 

Daluyan ng pagpapala sa palad dumampi, 

Dalangin namin sa inyo,  pawang mabubuti, 

Pusong mapagkalinga nawa’y lalong dumami, 

Para patuloy maisalin sa salinlahi !

Simpleng tula lamang ito na tumatalakay sa buhay sa bukid. Hindi lang binubuhay ang yaman ng panitikan kundi pati ang kalikasan na bumubuhay sa ating lahat. Mula sa sariwang hangin hanggang sa biyaya  nito. kaya ang artikulon g mga tula tungkol sa kalikasan ay maaaring kapulutan natin ng inspirasyon na pahalagahan at mahalin ang ating inang kalikasan.

Author profile
Joel Frago

Si Joel Frago ay isang rehistradong Nurse at Midwife. Siya ay isa ring Pastor.  Naging magsasaka siya mula noong 2004 at nagkamit ng mga pagkilala at prangal sa larangan ng farming.  Pinarangalan siya bilang isa sa Ten Outstanding Pableño noong 2018.  Siya ang nataguriang Kusinero de Bukid ng Forest Wood Garden, isang agritourism destination na dinrayo ng mga turista mula sa loob at labas ng bansa.