Ang paglaktaw sa mga protocol ng quarantine parurusahan ng batas: DOH

0
483

Parurusahan ng batas ang mga lalaktaw sa mga quarantine protocol na itinakda ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF),ayon sa  Department of Health (DOH) nitong Huwebes.

Ang pahayag ng DOH ay naging tugon sa mga ulat ng ilang manlalakbay mula sa ibang bansa na umano’y nilaktawan ang mga protocol ng quarantine na bahagi ng mga alituntunin at patakaran ng gobyerno sa coronavirus disease 2019 (Covid-19).

Nasa ibaba ang kasalukuyang testing at quarantine protocol para sa mga international traveller:

Binanggit ng DOH na ang hindi pagsunod sa mga panuntunang ito ay paglabag sa Republic Act No. 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act of 2018.

Binigyang-diin din ng DOH, Bureau of Quarantine, Department of Tourism, Department of Interior and Local Government, Department of Transportation, at Philippine National Police, na dapat tiyakin na ang mga lalabag ay ihaharap alinsunod sa batas.

“We remind everyone to exert utmost care in participating gatherings and/or organizing gatherings particularly when it will involve individuals who have recent travel or exposure history,” ayon sa DOH.

Dahil ang pagpapanatiling mababa ang mga kaso at mga admission sa ospital ay isang buong pagsisikap ng lipunan, hinikayat ng DOH ang publiko na iulat at isumbong sa local authorities ang mga indibidwal, establisyimento, o mga lokal na yunit ng pamahalaan na lumalabag sa mga protocol ng quarantine upang matiyak ang wastong pagpapatupad ng batas at maiwasan ang higit pang pagkalat ng Covid- 19.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.