Año: Ang pahintulot ng mga magulang para sa bakuna ng 5-11 taong gulang, kinakailangan

0
149

Sumang-ayon si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año kahapon sa desisyon ng ilang local government units (LGU) chiefs na payagan lamang ang pagbabakuna sa mga batang may edad 5 hanggang 11 taong gulang kung may pahintulot ng kanilang mga magulang o mga tagapag-alaga.

“Parent’s consent is a requirement before any child is administered with Covid (coronavirus disease 2019) vaccine,” ayon sa kanya. 

Sinabi ni Año na ang pagpayag ng mga magulang na ang mga anak ay mabakunahan ay isang bagay na dapat gawin.

Nagbigay ng komento si Año matapos maglabas ng bukod na kundisyon sina Quezon City Mayor Josefina “Joy” Belmonte, Valenzuela City Mayor Rexlon “Rex” Gatchalian, Malabon City Mayor Antolin “Lenlen” Oreta III, at Navotas City Mayor Tobias “Toby” Tiangco bagaman at sinasabi at tinitiyak ni vaccine czar Tiniyak ni Carlito Galvez Jr. sa publiko na ang mga jab ay “ligtas at pinag-aralan ng mga siyentipiko sa buong mundo.”

Sa pagbibigay-katwiran sa kanilang desisyon, sinabi ng apat na alkalde na mayroon silang responsibilidad sa kanilang mamamayan na gabayan at protektahan ang mga ito.

Ang pagbabakuna para sa mga batang may edad 5 hanggang 11 taong gulang ay nakatakda bukas, Pebrero 7.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.