Año sa LGUs: Hanapin ang mga unvaxxed, booster-eligible na residente sa gitna ng 1st BA.4 case

0
362

Hinihingi ang aktibong pagganap ng mga local government units (LGUs) upang maghanap ng mga hindi pa nabakunahan at mga karapat-dapat para sa mga booster shot laban sa Covid-19 kasunod ng pagtuklas ng isang subvariant ng Omicron sa Pilipinas, ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG) kahapon.

Kung kinakailangan, ang mga lokal na opisyal ay dapat magbahay-bahay at hikayatin ang pagbabakuna, ayon sa isang pahayag ni DILG Secretary Eduardo Añokahapon.

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) noong Sabado na isang Pinoy na dumating mula sa Middle East noong Mayo 4 ang napag-alamang nahawaan ng Omicron subvariant BA.4 na natuklasan matapos masuri at lumabas ang positibong resulta noong Mayo 8.

Sa mga natuklasan ng European Center for Disease Prevention and Control (ECDC), sinabi ng DOH na ang BA.4 ay isang variant of concern dahil maaari itong kumalat nang mas mabilis o magdulot ng mas malalang pagkakasakit.

“We direct all LGUs to be proactive in their vaccination efforts and seek these people who are eligible for inoculation. The DOH detection of BA.4 signals the need for a more aggressive action to ensure that the people are vaccinated and protected against this highly contagious variant of Covid-19. Kailangan itong tiyagain ng mga pamahalaang lokal (The local government must work on this). Millions of Filipinos have been vaccinated months ago and that can work against our goal of protecting our people sapagkat itong BA.4 ay nakakalusot sa bakuna lalo na kung matagal nang naturukan,” ayon kay Año. 

Hinimok niya ang mga village volunteers na makipagtulungan sa mga LGU sa pagtukoy sa mga mamamayan na dapat mabigyan ng bakuna  at makikiusap sa kanila na buhayin ang diwa ng bayanihan upang labanan ang pagkalat ng variant ng Omicron BA.4.

Ang pang-araw-araw na average ng mga bagong kaso ng Covid-19 sa National Capital Region ay tumaas ng 19 porsyento mula Mayo 13 hanggang 19 sa 71, mas mataas kaysa sa 59 na naitala mula Mayo 6 hanggang 12, ngunit hindi pa rin sapat upang maalarma ang mga awtoridad sa kalusugan.

Ang dalawang linggong rate ng paglago sa rehiyon ay nananatiling negatibo sa minus 17 porsiyento at ang average na rate ng dailuy attack rate ay nasa 0.47 kaso bawat 100,000 populasyon noong Mayo 19.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.