Año: Vote buying na kunwari ay ayuda, mahigpit na binabantayan

0
352

Nagbabala si  Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na mahaharap sa legal na aksyon ang mga kandidatong nagbibigay ng pera sa kanilang mga nasasakupan na kunwari ay tulong pinansyal.

“Wala na tayong ayuda ngayon, ano. Pinagbawal na natin yung mga pagbibigay ng ayuda except yung program ng DSWD (Department of Social Welfare and Development) na pinayagan ng Comelec (Commission on Elections),’’ ayon kay Año.

Binalaan din niya ang mga opisyal ng local government unit (LGUs) laban sa paggamit ng kanilang resources tulad ng mga sasakyan ng gobyerno sa pagdadala ng mga tagasuporta sa anumang campaign sorties ng mga political aspirants.

“We already gave a warning and issued an advisory and memorandum to all LGUs that their resources and equipment cannot be used for campaigning. That is prohibited so we teamed up with the Comelec that they will be in charge for Omnibus Election Code violations while the DILG will deal with the administrative case,’’ dagdag niya.

Inihayag din ng DILG chief na nakatanggap ang Comelec ng mga ulat tungkol sa mga lokal na opisyal sa probinsiya na gumagamit ng public resources para mag-print ng campaign materials tulad ng mga tarpaulin na ipinapakita sa social media.

“Meron namang ginagawang kaukulang aksyon ‘yung ating Comelec at ang ating law enforcement authorities natin ano. Patuloy nating babantayan yung mga ganyang incidents at hinihiling din natin sa ating kababayan na anumang makikita natin o observation na election violation, ipagbigay alam kaagad sa pinakamalapit na authorities,’’ ayon kay Año.

Sinabi ni Año na ang bawat lokalidad ay mayroong election campaign committee hanggang sa municipal level para sa mabilis na pagpapadala ng mga reklamong may kinalaman sa halalan sa mga awtoridad.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.