Apat na Most Wanted Persons, arestado sa manhunt ops ng Sta. Cruz PNP

0
381

Sta. Cruz, Laguna. Arestado sa isang manhunt operations ng Santa Cruz Municipal Police Station sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni Officer-in-Charge PLTCOL Paterno L. Domondon Jr. ang apat na Most Wanted Persons na sina Jerry Valenzuela, 43 taong gulang na construction worker at residente ng Brgy. Oogong, Santa Cruz, Laguna; Brian Balatian, 41 taong gulang na construction worker at residente ng Brgy. San Jose, Rizal; Louie Balatian, 46 taong gulang, na security guard at residente ng Brgy. Poblacion 2, Alaminos, Laguna; Hanny Villegas, 45 taong gulang, walang trabaho at residente ng Brgy. Bagong Silang, Real, Quezon.

Ang mga nabanggit na akusado na Rank No. 5, 6, 7, at 8 sa Regional Level PRO CALABARZON ay dinakip noong Pebrero 17, 2022 sa Mabini St., Brgy. Poblacion 3, Santa Cruz, Laguna sa bisa ng Warrant of Arrest  hinggil sa kasong murder na inisyu ng Regional Trial Court, Branch 28, Santa Cruz, Laguna.

Kasalukuyang nasa custodial facility ng Santa Cruz MPS ang mga nabanggit na wanted persons at aabisuhan ang court of origin sa pagkaka aresto sa kanila, ayon sa ulat ni Laguna Police Acting Provincial Director PCOL Rogarth B. Campo kay CALABARZON Regional Director PBGEN Antonio C. Yarra. 

“The arrest of these wanted persons is part of our continuous campaign against criminality. Mga taong katulad nila na dapat harapin ang mga nilabag nilang batas sa Republika ng Pilipinas,” ayon kay Campo.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.