Apektado ng ITCZ, localized thunderstorms ang PH

0
207

Patuloy na makakaapekto sa bansa partikular sa Southern Mindanao ang intertropical convergence zone (ITCZ) at localized thunderstorms, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kanina.

Sa 4 a.m. bulletin ng PAGASA ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa ITCZ ​​at localized thunderstorms.

Ang buong bansa ay makakaranas ng mahina hanggang sa katamtamang hangin na patungo sa silangan hanggang hilagang-silangan at mahina hanggang sa katamtamang pag-alon sa baybayin.

Ang temperatura ay maglalaro mula 24.4°C hanggang 29.5°C.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.