Nasungkit ng Apo Reef Natural Park (ARNP) ng Occidental Mindoro ang natatanging Blue Park Award para sa pambihirang marine wildlife conservation sa United Nations Ocean Conference sa Lisbon, Portugal.
Ang Apo Reef, kasama ang Raja Ampat Islands Marine Conservation Area ng Indonesia at ang Old Providence McBean Lagoon National Park ng Colombia, ay pinili ng isang internasyonal na konseho ng mga eksperto sa pangangalaga sa dagat, na binuo ng non-government organization na nakabase sa United States na Marine Conservation Institute.
“We are very happy for this recognition bestowed on the Apo Reef Natural Park which is a testament to the hard work of our people at the Protected Area Management Office and all the stakeholders who have been with us in protecting and conserving this marine protected area,” ayon kay DENR OIC Secretary Ernesto Adobo Jr. sa isang press release.
Ang parangal ay magsisilbing inspirasyon para sa pambansang pamahalaan na palakasin ang mga hakbangin nito para pangalagaan at protektahan ang mga marine protected areas sa bansa, ayob kay Adobo.
Tinanggap ni ARNP Protected Area Superintendent Krystal Villanada at Philippine Ambassador to Portugal Celia Anna Feria ang parangal noong Hulyo 1.
Kinikilala ng Blue Park Award ang mga natatanging pagsisikap ng national government at local government, mga non-profit na organisasyon, marine protected area manager, at mga lokal na komunidad sa epektibong proteksyon ng marine ecosystem.
Ang ARNP, ang pangalawang platinum-level, ay ang pinakamataas na posibleng pagkilala. Tumanggap ng Blue Park Award ang Pilipinas kasunod ng Tubbataha Reef Natural Park, na kinilala noong 2017, ayon sa DENR.
Sumasali ito sa lumalaking network ng 24 na iginawad na Blue Park sa buong mundo na nakamit ang pinakamataas na science-based standards for conservation effectiveness, dagdag ng DENR.
Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.