Arestado ang dalawang suspek na nang-rape ng 2 bata sa Cavite

0
436

Dasmariñas City, Cavite. Arestado ang dalawang lalaki na naging pangunahing suspek sa panggagahasa sa dalawang magkapatid na paslit noong Agosto 4 sa lungsod na ito sa isinagawang operasyon noong Martes ng gabi.

Kinilala ni Col. Christopher Olazo,direktor ng Cavite Provincial Police Office, ang dalawang suspek na sina Aljohn Iso, 22 anyos, at Mark Lester Gragasi alyas Hapon, 21 anyos na pawang mga construction worker.

Ang pag aresto ay naganap sa magkahiwalay na hot pursuit operation na isinagawa ng mga tracker teams ng pulisya sa Brgy. Pasong Camachile 2, General Trias City, at sa Brgy. Roque, Dasmariñas City.

Ayon kay Col. Olazo, “Nakilala namin ang dalawang suspek sa pamamagitan ng backtracking na imbestigasyon at pagsusuri sa mga nakuhang video footage mula sa mga close-circuit television camera na nakalagay sa lugar na malapit sa site ng krimen.”

Sinabi rin niya na kinilala ng mga saksi sa krimen ang dalawang suspek.

Ang dalawang batang biktima na 8 anyos at 4 anyos ay nasa mabuti ng kalagayan ngayon sa isang ospital sa Dasmariñas City. Naghain na ng kaso laban sa mga suspek ang 35 anyos na ina ng magkapatid.

Ang pagkahuli sa mga suspek ay resulta ng pabuya na P400,000 mula kina Dasmariñas Mayor Jenny Austria-Barzaga at Cong. Elpidio Frani Barzaga Jr. para sa makapagtutuo o makapagbibigay ng  impormasyon ukol sa kanilang mga suspek.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.