Sta. Maria, Laguna. Nasakote ng mga tauhan ng Sta. Maria Municipal Police Station (MPS) ang isa pa sa apat na suspects na nanambang at pumatay sa dating kagawad ng barangay at pangulo ng farmers cooperative sa Sitio, Silangan,Brgy. Santiago, ng bayang ito.
Ayon sa report na isinumite ni PLt.Col. Randy Glenn Silvio, Laguna Police Provincial Director kay PBGeneral Jose Melencio Nartatez, Regional Director of PRO CALABARZON, ang suspek ba nadakip ay kinilalang si Noel Buluran, 41, may- asawa at residente ng St Maria.
Ayon naman kay Police Major Evenier, hepe ng Sta Maria MPS, si Buluran ang isa sa mga suspect na responsable sa pagkamatay ni Diamante.
Matatandaan na matapos tambangan at mapatay si Diamante ay agad na tumakas ang mga salarin subalit nahuli ang isa sa mga ito na si Edgar Evangello sa isang police checkpoint.
Hinihinalang pulitika ang motibo sa krimen kaugnay sa muling pagtakbo bilang konsehal ng barangay ng suspect.
Arman B. Cambe
Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.