Arestado ng BI ang pekeng African missionary na suspek sa ATM hacking schemes

0
237

Ipinahayag ng Bureau of Immigration (BI) nitong Biyernes ang pag-aresto sa isang Ghanaian national na pinaghihinalaang mastermind ng West African syndicate na nang-hack ng automated teller machines (ATMs) sa Pilipinas.

Sa isang pahayag sa media, kinilala ni Immigration Intelligence Division Chief, Fortunato Manahan Jr., ang African na si Victor Patrick, 34 anyos, na naaresto sa joint operation na isinagawa ng mga miyembro ng BI at Armed Forces of the Philippines (AFP) noong Oktubre 14 sa ang parking lot ng isang mall sa Bicutan.

Ayon sa Immigration officer, naglabas ng mission order kasunod ng liham na ipinadala ng local intelligence authorities hinggil sa ilegal na aktibidad ni Patrick sa bansa.

“The AFP said that Patrick is one of the prime suspects involved in an ATM hacking syndicate. He has been seen to frequent several big banks in Barangay Moonwalk in Parañaque,” ayon kay Manahan.

Sinabi ni Manahan na matapos maberipika ang travel history at visa status ni Patrick, nabatid na dumating sa bansa ang dayuhan noong Abril 20, 2019 gamit ang tourist visa at nag-apply ng missionary visa sa petisyon ng isang kumpanya na nakabase sa Cebu.

Ang mga agents ng imigrasyon ay nagsagawa ng surveillance sa ipinahayag na address ng kumpanya at natuklasan na wala ito doon.

Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na si Patrick ay mahaharap sa deportation charges dahil sa paglabag sa Section 37(a)(9) ng Philippine Immigration Act of 1940 matapos makakuha ng immigration document sa ilalim ng maling pahayag at representasyon.

“Patrick’s visa is deemed void from the start considering that it was obtained by means of fraud,” ayon sa kanya.

Idinagdag ni Tansingco na sila ay nasa mahigpit na koordinasyon sa mga lokal na ahensya ng pagpapatupad ng batas upang mahanap at arestuhin ang mga posibleng cohorts at iba pang dayuhang scammers na maaaring nasa bansa. (PNA)

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo