Arestado ng Laguna PNP ang 235 na MWP sa loob ng isang linggo

0
353

Sta. Cruz, Laguna.  Nadakip ang 235 na wanted persons sa kaso ng illegal na droga, illegal na sugal at loose firearms sa buong lalawigan ng Laguna ayon sa isang linggong accomplishments ng Laguna PPO  na ipinakita ni Laguna Police Provincial Office, Officer-In-Charge, Police Colonel Randy Glenn G Silvio.

Ayon kay Silvio, ang mga pag aresto ng Laguna PNP sa isang linggo mula Oktubre 19 hanggang 24, 2022 ay matagumpay na naisagawa at naipatupad sa pamamagitan ng aktibong suporta ng mamamayan ng Laguna.

Sa ilalim ng anti-illegal drugs buy bust operation nagsagawa ang Laguna PNP ng animnapung operation at nakapag aresto ng pitumput tatlong suspek at nakumpiska ang hinihinalang illegal na shabu na may timbang na 38.24 gramo at marijuana na may timbang na 631.541 gramo na may nagkakahalaga ng Php 437,740.

Sa anti-illegal gambling operation ng Laguna PNP ay nakapagtala ng limamput apat na operations at nakahuli ng siyam naput siyam na suspek at umabot naman sa Php 80,988 ang nasamsam na pera.

Sa manhunt operation na isinagawa ng Laguna PNP,nadakip ng dalawampu’t apat na most wanted person at tatlumpu’t pitong ) na other wanted person na may nakadakip ng animnapu’t isang pugante kabilang si Gudito Rebano na isang most wanted person regional level sa kasong murder.

Samantala, sa kampanya sa loose firearms ay nakahuli  ng dalawang suspek at nakasamsam ng apat na loose firearms sa ilalim ng pitong operations.

“Ang Laguna PNP ay seryoso sa pagsugpo sa lahat ng illegal na gawain dito sa Laguna upang mapanatili ang kaayusan, kapayapaan tungo sa kaunlaran ng mamamayan ng Laguna,” ayon kay Silvio.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.