Army, LGU nagbigay ng tulong sa mga napatay na NPA na iniwan ng mga kasamahan

0
594

Cavinti, Laguna. Dinala sa kani kanilang pamilya ang mga labi ng tatlong lider ng NPA na napatay sa engkwentro kamakailan sa General Nakar sa tulong ng General Nakar, Quezon Municipal Task Force to End Local Communist Armed Conflict.

Kinilala ang mga napatay na Noel Madrigalejos alias Luis, ang nangungunang pinuno ng New People’s Army (NPA) sa Southern Tagalog Region, Deputy Secretary for Organization ng Sub Regional Military Area-4A at dating kalihim ng KLG CESAR; Misael Ongtangco alias Cuba, opsiyal ng Main Regional Guerilla Unit, Regional Operational Command, Southern Tagalog Regional Party Committee at Roger Guarde Villaflores alias Hummer, staff member ng SRMA 4A (IPIRK), STRPC at dating VPL, Platoon Laguna-Quezon, MRGU, ROC, STRPC.

Nakipag-ugnayan ang hukbo kasama ang local government unit ng General Nakar sa mga pamilya ng mga namatay at nagbigay ng tulong sa pagkuha ng mga clearance at death certificate. Ang labi n dalawang lider ng NPA ay ipinadala sa kani-kanilang sariling bayan. Samantalang isa ang binigyan ng maayos na libing sa isang pampublikong sementeryo sa bayan ng General Nakar kasama ang pamilya ng yumao bilang mga saksi.

Kaugnay nito, nagpasalamat ang mga pamilya ng mga namatay na rebelde sa local government unit at sa security forces sa lahat ng tulong na ibinigay sa kanila. Kinondena nila ang Communist Terrorist Group sa panlilinlang sa kanilang mga mahal sa buhay na humantong sa kanilang pagkamatay. Hinikayat din nila ang mga natitirang rebeldeng NPA na bumalik sa batas at mamuhay ng mapayapa kasama ang kanilang mga pamilya.

Ipinaabot naman ni Brig. Gen. Cerilo C. Balaoro Jr., Commander ng 202nd Infantry Brigade ang kanyang taos pusong pakikiramay sa mga pamilya ng mga namatay na komunistang mandirigma ng NPA. “Kami ay nalulungkot sa katotohanang ito na mas maraming biktima ng panlilinlang ng CTG ang nasawi para sa walang kwentang dahilan ng ilang dekada ng insurhensiya, at mas malala pa, na iniwan ng kanilang mga kasamahan.”

Ang tatlong napatay na rebelde ay kabilang sa mga nakipagbarilan sa upland village sa General Nakar noong Setyembre 20. Pagkatapos ng sagupaan, narekober ng mga sundalo ang mga bangkay ng mga mandirigmang NPA, at nakuha sa kanila ang dalawang M16 rifles, isang M4 rifle, sang (1) M203 grenade launcher at mga personal na gamit.

=====

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.