Arnell Ignacio itinalaga bilang OWWA chief

0
319

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang TV personality na si Arnaldo Arevalo “Arnell” Ignacio bilang pinuno ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), ayon sa pahayag ng Malacañang kanina.

Kinumpirma ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles ang appointment ni Ignacio.

Hindi pa naglalabas ang Malacañang ng kopya ng appointment paper ni Ignacio.

Ang OWWA, sa kanilang opisyal na website, ay nagpahayag na ang tungkulin nito ay upang protektahan at itaguyod ang kapakanan ng mga overseas Filipino workers (OFWs) at kanilang mga pamilya.

Inatasan din itong magbigay ng tulong sa mga distressed OFWs at mag-alok ng livelihood training at mga programa para sa kanilang reintegration.

Sa kanyang unang State of the Nation Address na binigkas noong Hulyo 25, binigyang-diin ni Marcos ang pangangailangan sa pagtatakda ng mga patakaran at programa na naglalayong pagaanin ang pasanin ng mga OFW.

Itinalaga rin si Ignacio sa OWWA bilang deputy administrator sa ilalim ng pagbabantay ng hinalinhan ni Marcos na si dating pangulong Rodrigo Duterte.

Unang pumasok si Ignacio sa OWWA noong 2018 ngunit umalis noong Pebrero 2019, dahil sa “personal na dahilan.”

Noong Abril 2019, sinabi ni Ignacio na nagtapos siya ng political science degree sa Unibersidad ng Makati.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.