ARTA: Kailangan ang 1-strike policy vs driving schools na sangkot sa fixing

0
304

Inirekomenda ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang mas mahigpit na regulasyon at one-strike policy para sa mga driving school at pribadong kumpanya na tumutulong sa mga fixer sa pagsasagawa ng mga ilegal na aktibidad.

Isang serye ng entrapment operations at imbestigasyon na isinagawa ng ARTA at ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group sa mga sangay ng Land Transportation Office (LTO) kung saan ay napag alaman na karamihan sa mga aktibidad sa pag-aayos ay may kasama sa sabwatan ang mga empleyado ng LTO, driving schools, emission centers, at medical clinics.

Ang mga operasyon at crackdown laban sa mga fixer ay ikinasa matapos ang koordinasyon sa mga central office ng LTO at Department of Transportation (DOTr).

Iminungkahi ni Secretary Jeremiah Belgica, Director General ng ARTA, ang pagsususpinde sa mga driving school at pribadong kumpanya na inirereklamo at nagsasagawa ng mga ipinagbabawal na gawain habang nasa ilalim ng imbestigasyon.

“Through this approach, private accredited companies are constrained to go through the process of determining an individual’s driving ability by implementing seminars, lectures, training, evaluations, exams, or emission testing. This ensures that those seeking licenses are aware of traffic laws and that vehicles are roadworthy,” ayon kay Belgica sa isang  news release kanina. (PNA)

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo