MAYNILA. Kabilang na sa mga itinuturing na suspek sa kaso ng mga nawawalang sabungero ang negosyanteng si Atong Ang at dating aktres na si Gretchen Barretto, ayon kay Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla.
Sa isang pahayag, sinabi ni Remulla na sasampahan ng kaso ang dalawa matapos silang pangalanan ni Julie Aguilar Patidongan, kilala rin bilang alyas “Totoy,” bilang may kinalaman umano sa pagkawala ng higit 100 sabungero.
“Pinangalanan sila, then we will have to include them as the suspects,” ani Remulla.
Dagdag pa ng kalihim, inihahanda na ng grupo ng mga piskal ang ebidensya upang masusing pag-aralan kung anong mga kaso ang dapat isampa.
“Sooner than later, it will happen. Ie-evaluate ‘yan ng ating group of fiscals that will be assigned to evaluate all the evidence so that we will know what cases to file properly,” ani Remulla.
Inamin din ng kalihim na mahirap ang kasong ito, lalo na’t malalaking personalidad ang sangkot.
“There are 20 people in the alpha list… Yung alpha group ng e-sabong. The alpha group is the main group that run the show,” dagdag niya.
Matatandaang sa isang exclusive interview ng “24 Oras” ng GMA News nitong Miyerkules, tinukoy ni Patidongan si Ang at dalawang iba pa bilang mga itinuturong mastermind sa pagkawala ng mga sabungero. Ibinunyag din niya na si Gretchen ay may nalalaman umano sa insidente.
Si Patidongan ay dating head of security sa mga sabungan ni Ang at kabilang sa mga unang kinasuhan sa parehong kaso.
Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.






