Atty. Marites A. Barrios-Taran, hinirang na Director General ng KWF 

0
349

Hinirang na director general ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) si Atty. Marites A. Barrios-Taran. Siya ay nanumpa sa katungkulan kay Supreme Court Associate Justice Jhosep Lopez kamakailan.

Si Atty. Barrios-Taran ay isang Certified Public Account (CPA) at naging Board Secretary ng Board of Regents ng Pamantasan Lungsod ng Maynila (PLM) at naging Vice President for Administration and Finance, University Legal Counsel, at naging Director II sa House of Representative.

Magiging katuwang siya ng Lupong Tagapagpaganap na binubuo ng mga Commissioner na sina Arthur P. Casanova, Carmelita C. Abdurahman, at Benjamin M. Mendillo Jr.

Ang KWF ay nilikha upang magsagawa, mag-ugnay, at magtaguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap, at preserbasyon ng Filipino at ng iba pang mga wika sa Pilipinas.

Ang Batas Republika Blg. 7104 ay ang batas na lumikha sa Komisyon sa Wikang Filipino na nagtatakda ng mga kapangyarihan nito, mga tungkulin at mga gawain, naglalaan ng gugulin ukol dito at para sa iba pang mga layunin.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.