Author Salman Rushdie sinaksak sa lecture stage sa New York

0
299

Pinagsasaksak sa leeg at tiyan kahapon si Salman Rushdie, ang may akda ng nobelang “The Satanic Verses” na umani ng mga death threats mula sa pinuno ng Iran noong 1980s. Ang suspek ay umatake sa entablado habang nagbibigay ng lecture ang biktima sa West New York.

Ang duguang si Rushdie, 75 anyos, ay dinala sa ospital at isinailalim sa operasyon. Ang kanyang ahente, si Andrew Wylie, ay nagsabi na ang novelist ay nasa ventilator noong Biyernes ng gabi, at may tama sa atay, naputol ang mga ugat sa kanyang braso at malamang na mabulag na ang isang mata.

Kinilala ng pulisya ang umatake na si Hadi Matar, 24 anyos ng Fairview, New Jersey. Siya ay naaresto sa pinangyarihan at naghihintay ng arraignment kahapon. Ipinanganak si Matar isang dekada pagkatapos mailathala ang “The Satanic Verses.” Ang motibo para sa pag-atake ay hindi pa malinaw, sinabi ng State Police Maj. Eugene Staniszewski.

Isang reporter ng Associated Press ang nakasaksi sa pag-atake sa pagharap kay Rushdie sa entablado sa Chautauqua Institution at sinaksak o sinuntok siya ng 10 hanggang 15 beses habang siya ay ipinakilala. Naitulak at bumagsak sa sahig ang may-akda, at inaresto ang lalaki.

Inilarawan ni Dr. Martin Haskell, isang doktor na kabilang sa mga agad na tumulong, ang mga sugat ni Rushdie ay “malubha ngunit gagaling.”

Si Rushdie ay sumikat sa kanyang Booker Prize-winning 1981 na nobelang “Midnight’s Children,” ngunit ang kanyang pangalan ay nakilala sa buong mundo pagkatapos maipalimbag ang “The Satanic Verses.”

Malawakang itinuturing bilang isa sa pinakamagagaling na manunulat na nabubuhay sa Britain, si Rushdie ay ginawang knight ni Queen Elizabeth II noong 2008 at nauna dito ay ginawa siyang miyembro ng Order of the Companions of Honor, isang maharlikang pagkilala para sa mga taong nakagawa ng malaking kontribusyon sa sining, agham o pampublikong buhay.

Over a literary career spanning five decades, Sir Salman Rushdie has been no stranger to death threats arising due to the nature of his work. The novelist is one of the most celebrated and successful British authors of all time, with his second novel, Midnight’s Children, winning the illustrious Booker Prize in 1981.
Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.