AWOL na pulis, arestado sa extortion

0
179

IMUS City, Cavite. Inaresto ang isang pulis na nasa ilalim ng “absent with official leave” (AWOL) status sa kasong pangingikil sa isinagawang entrapment operation ng pulisya sa sa lungsod na ito sa Cavite noong Biyernes ng hapon.

Ang suspek, na kinilala lamang sa alyas na Alvin at dating nakatalaga sa Imus City Police Station, ay nahaharap ngayon sa mga kasong “robbery extortion” at “usurpation of authority” matapos kasuhan sa Imus Provincial Prosecutor’s Office kahapon. Siya ay kasalukuyang nakakulong sa police custodial facility.

Batay sa ulat ng Imus City Police Station, humingi ng P30,000 ang suspek mula kay Christian Kuison bilang kapalit ng kanyang “affidavit of desistance” na may kaugnayan sa kasalukuyang kaso na isinampa ng nasabing pulis dahil sa paglabag sa RA 4136 at 10586 sa ilalim ng Article 151 ng Revised Penal Code o mas kilala bilang Land Transportation and Traffic Code noong Enero 28, 2024.

Sa ikinasang entrapment operation sa tapat ng MTC building, Old LTO compound sa Barangay Palico IV, Imus City, alas-2:30 ng hapon noong Biyernes, hindi na pumalag ang AWOL na pulis nang arestuhin siya ng pinagsanib na puwersa ng IMEG-Luzon Field Unit 4A at Provincial Intelligence Unit-Cavite.

Nakumpiska mula sa suspek ang tinanggap niyang boodle money na nagkakahalaga ng P25,000 na marked money na ginamit sa operasyon.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.