Azurin: Tiyakin ang zero-casualty Lenten break

0
230

Sa pagsisimula ng bansa sa Semana Santa ngayong Lunes Santo at habang nagpapatuloy ang banal na buwan ng Ramadan, nanawagan si Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. kahapon sa lahat ng mga commander ng PNP na hangarin ang zero-casualty observance.

“Siguraduhin nating lahat na walang mangyayaring hindi kanais-nais na insidente sa mga paliparan at daungan lalo na ang mga bagahe o gamit ng mga pasahero. Sa mga sumasakay sa bus, paki tiyak na ang mga driver ay okay, hindi pagod at ang mga bus ay nasa maayos na pagpapatakbo. Panatilihin natin itong Holy Week na isa sa pinaka ligtas at pinaka payapa,” ayon kay Azurin sa isang pahayag.

“Let’s aspire for zero casualties among our personnel and the community we are serving and protecting as we observe our holy week,” dagdag niya.

Inilunsad ng PNP ang taunang kampanyang “Ligtas SumVac (Summer Vacation) 2023” na may deployment ng 74,114 na pulis upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng publiko sa Semana Santa.

Upang matulungan ang publiko at agarang matugunan ang mga partikular na reklamo, ang mga Assistance Hub at Police Assistance Desk na may kabuuang 38,387 na opisyal ay ipapakalat sa pamamagitan ng mobile at foot/beat patrol.

Karagdagang 39,504 na opisyal ang ipapakalat para sa mga partikular na lugar ng convergence tulad ng mga pangunahing lansangan, mga hub ng transportasyon, mga terminal, mga komersyal na lugar, at mga lugar ng pagsamba.

Hinikayat din ng PNP chief ang publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad at sumunod sa safety protocols.

“The deployment of our police officers is aimed to provide maximum security coverage to the public who will take part in the various religious activities,” said Azurin.

Samantala, sinabi ni Brig. Gen. Joel Doria, direktor ng Police Regional Office-Mimaropa, na ipinag utos niya sa lahat ng chief of police at unit commanders na paigtingin ang visibility sa mga tourist spot at iba pang lugar ng convergence sa Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan bilang paghahanda sa pagdagsa ng mga turista at pagbabalik ng mga residente.

“I have ordered all PNP unit commanders in the region to employ security measures and secure vital installations, tourist destinations, transportation hubs, churches and places of pilgrimage for the safety of the public and ensure the peaceful observance of the Holy Week,” ayon kay Doria sa isang news release. 

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.