Babae itinumba ng barangay kagawad sa Batangas, manhunt operation isinasagawa

0
233

SAN JUAN, Batangas. Patay ang isang babae matapos pagbabarilin ng tatlong beses ng isang barangay kagawad ng Lipa City, Batangas noong Sabado sa bayang ito.

Kinilalang ang biktima na si Marilyn Escartin Peña, 51, ng San Juan, Batangas na tinamaan sa mukha at katawan ng mga bala at namatay agad sa insidente.

Nagsasagawa ngayon ng manhunt operation ang pulisya laban sa suspek na kinilalang alyas “Joey” at residente ng Brgy. Pag-Olingin East, Silangan, Lipa City, Batangas.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, nangyari ang pamamaril ng 4:38 ng hapon sa Brgy. Pag-Olingin West. Ayon sa CCTV footage, lumapit ang suspek sa biktima at sunud-sunod na binaril ito. Bagamat nakatakbo pa ang biktima, hinabol siya ng pamamaril ng suspek hanggang sa bumagsak at mamatay.

Sinabi ni PLt. Col. Rix Villareal, hepe ng Lipa City Police Station, na tatlong beses tinamaan ng bala ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nakausap din ni Police Capt. Ricardo Cuevas, Chief Operations Officer ng Lipa City Police Station, ang driver ng motorsiklo na ginamit ng suspek, at ibinunyag na isa itong barangay official.

Hanggang ngayon, hindi pa malinaw ang motibo sa pagpatay habang patuloy pa rin ang imbestigasyon. Ang suspek ay taga-Brgy. Pag-Olingin East samantalang ang krimen ay nangyari sa Brgy. Pag-Olingin West.

Natagpuan sa crime scene ang isang .45 caliber na baril, na gagamiting ebidensya sa kasong ito.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.