Babae patay, 7 iba pa sugatan sa karambola ng 4 na motorsiklo at bisekleta sa Laguna

0
397

STA. ROSA CITY, Laguna. Patay agad ang isang 21 taong gulang na babae habang sugatan ang pitong iba pa, kasama ang isang sanggol, matapos magkarambola ang apat na motorsiklo at isang bisikleta sa National road, Barangay Malusak, sa lungsod na ito bandang 2:00 kahapon.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Angel Anne Cardiente, residente ng nasabing lungsod.

Ayon sa imbestigasyon, nangyari ang aksidente ng magkarera ang dalawang motorsiklo sa isang kurbada. Sa pangyayaring ito, nasagasaan si Cardiente at tumilapon sa kabilang kalsada.

Ayon sa salaysay ng ilang saksi, habang pinipilit ni Cardiente na tumayo matapos siyang tumilapon binangga naman siya ng isa pang motorsiklo na may kaangkas na babae na may kargang sanggol. Matapos masagasaan sa ikalawang pagkakataon, muling bumagsak ang biktima

Base sa impormasyon mula sa pulisya, nadagdagan ang nasugatan nang sumunod na makabangga ang isa pang motorsiklo at isang bisikleta na mabilis ang takbo sa mga naunang nasugatan na nasa gitna ng kalsada.

Ayon sa ulat ng City Public Order and Safety Office ng Sta. Rosa City, isa pang motorsiklo ang isang bisekleta ang nagkarambola bumundol sa mga naunang nasugatan.

Agad dinala agad ng City Disaster Risk Reduction and Management Office ang mga biktima sa Sta. Rosa Medical Center, subalit hindi na umabot ng buhay si Cardiente. Samantala, kasalukuyan pang ginagamot ang apat pang nasugatan.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya ukol sa pangyayaring ito.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.