Babae patay sa saksak ng live-in partner

0
148

SAMPALOC, Quezon. Agad na namatay ang isang 49-anyos na babae matapos saksakin ng kanyang live-in partner sa gitna ng simpleng pagtatalo kahapon ng madaling araw sa Barangay San Isidro, bayang ito.

Kinilala ang biktima na si Lorena Maglaya na nagtamo ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan na naging sanhi ng agad niyang kamatayan. Tumakas naman ang suspek na si Josue Callejo, 53-anyos, matapos ang insidente.

Batay sa imbestigasyon ni PCpl. Allan Ritchie Salvatiera, ang opisyal na nangunguna sa kaso, bandang 2:30 ng madaling araw kahapon, nasa loob sila ng kanilang tahanan nang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang mag-live-in partner. Ito ay nauwi sa mainitang pagtatalo na humantong sa pagkuha ni Callejo ng isang patalim at pag-atake kay Maglaya.

Sa kasalukuyan, tinutugis na ang suspek upang papanagutin sa kanyang ginawang krimen. Habang inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa likod ng trahedya.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.