Babaeng Chinese na Kinidnap nailigtas sa Laguna; 3 suspek na Chinese arestado

0
188

BIÑAN CITY, Laguna. Naligtas ang isang babaeng Chinese na iniulat na kinidnap ng kanyang mga kababayan sa Pasay City noong Oktubre 30. Ang insidente ay naganap kahapon sa lungsod na ito sa Laguna, kung saan naaresto ang tatlong suspek.

Ayon sa report ni Police Lt. Col. Chitadel Gaoiran, tagapagsalita ng Police Regional Office Calabarzon, kinilala ang mga naarestong Chinese national bilang sina Dennis Tan, residente ng Sta. Cruz, Maynila; Bin Yang; at Shi Zhen Hui. Sila ay kakasuhan ng kidnapping, extortion, grave coercion, at paglabag sa R.A. 10591.

Sa imbestigasyon, napag alaman na ang babaeng biktima ay isang Chinese national. Siya ay makatakas sa mga kidnaper matapos niyang makalas ang tali niya sa mga kamay at humingi ng tulong sa mga kapitbahay sa lugar at sa mga awtoridad.

Lumalabas na pwersahang kinuha ang biktima ng tatlong Chinese suspects sa Pasay City noong Oktubre 30 at dinala sa isang tagong lugar sa Barangay Tubigan sa Biñan City.

Ayon sa biktima, hinihingan siya ng P1,000,000 at kotseng BMW bilang kapalit ng kanyang kalayaan. Ngunit sa naputol niya ang tali na sa kanyang mga kamay at tumakas habang mahimbing na natutulog ang mga suspek.

Nakumpiska ng mga awtoridad sa mga suspek ang isang caliber 22 revolver at dalawang bala.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.